sige itututloy ko na....
noon palang, ayaw ko na ng crush...
pag nagkaka crush na ako, iniiwasan ko na...
sabi ng ibang tao nakakasira daw ng pag-aaral ang crush na yan...
pero iba ang nangyayari...
lalo akong nagsisikap manatili sa klase natin upang makita siya araw-araw...
oo, mahirap manatili sa klase natin kung hindi ka talaga matalino...
lalo na kung tamad ka! kung alam niyo lang....
naiingit ako sa mga taong malapit sa kanya, oo, inaamin ko...
pero pinipigilan ko lang sarili ko sa pagka inngit na ito...
siguro ibang tao ang linalaman ng puso niya at hindi ako mahalaga sa kanya pero...
kung alam lang niya na kailangan ko siya...
hindi ko na ipipilit ang sarili ko at hahayaan ko na lang siya pumili kung sino ang gusto niya...
mahirap. mahirap talaga. pero kahit ganon, di ko siya nakakalimutan...
buti nalang at di ako pinapansin ng mga tao kasi palagi ko siyang tinitingnan...
nahihirapan akong kausapin siya...
kapag kinausap niya ako nababablanko ang isip ko at hindi ako makasagot...
at bago ako makaisip ng sasabihin, nakaalis na siya...
sa text nalang at ym ang pag-uusap namin kahit pakiramdam ko ayaw naman talaga niya ako kausapin...
mahirap. mahirap talaga.
kung alam mo lang na palagi kang iniisip nitong taong to...
kung alam mo lang na mahalaga ka sa buhay ko...
kung alam mo lang talaga....
hmmm
tama na uli katamad mag-type e...
sa susunod na lang uli....
posted by
roi @
6:55 PM
October 26, 2004
pag-ibig
naririto po ako upang magkwento....
noong una ko siyang makita hindi ko akalain na magkaka crush ako sa kanya....
pero noong una palang nakita ko na na maganda talaga siya...
mukha namang mabait siya at marami siyang kaibigan...
pagkatapos ng ilang buwan di ako mapakali...
para bang gusto ko siyang makita palagi....
lagi ko siyang hinihintay dumating kapag umaga at kung hindi siya pumasok, hindi nakukumpleto ang araw ko
kailangan ko siyang makita dahil kahit gaanong kasama ang simula ng araw ko, muli itong liliwanag...
nagkaroon na nga ako ng crush sa kanya....
tama na muna hehe....